Thursday, October 23, 2008

Barkada!!!

Masama daw ang barkada.Maramingmga bagay bagay na makakasama sa iyo ang matutunan mo mula sa kanila.Natuto ka daw ng bisyo,lalaban sa magulang at nauuwi sa pagrerebelde.Pulos mga masasamang bgay ang naririrnig ko tungkol sa barkada,wala bang kabutihang maidudulot ang pagkakaroon ng barkada?>ang lahat ba ng ito ay katotohanan?

Inaamin ko na marami akong barkada.Mga taong iniisip ng iba na sa akin nakakasira.Pero alam ba nila kung sino ang tinatawag nilang masamang impluwensya?!Hindi bat mayroon akong kakayahang magdesisyon kung tama o mali ang akintg gagawin?hindi bat hindi ko nanaisin na ako'y mapasama at mahulog ng tuluyan sa kadiliman na sa aki'y tuluyang sisira.

Ang bawat tao ay may kanya knyang paniniwala.May mga taong hinuhusgahan ang iba kahit hindi pa nila ito lubusng kilala.Bakit hindi mo muna kilalanin ang taong yaon ng sa gayo'y malaman mo mong mali ang iyong opinyon at siya pala'yang kaibigan namatagal ng hinahanap.

DONNA MAE VALeRIANO

No comments: