Naranasan mo na bang masira ang araw mo dahil sa isang pangyayaring maaring ihambing sa kamalasan?At naranasan mo na bang maging kumpleto ang araw mo na maaaring ihambing sa swerte?Kung ako ang iyong tatanungin masasabi kong "oo"sapagkat akin na itong naranasan.
Dalawang pangyayaring lubos na nagmulat sa akin sa salitang malas at swerte.Pangyayaring minsan kong kinainisan at pinasalamatan.Ang unang pangyayari ay ng lubos akong pagtawanan ng aking nga kaibigan ng madulas ako sa di-malamang dahilan.Natunghayan ng lahat,at pinagtawanan.Nakakahiyang isipin di ba?..
Pangalawa ay ang pangyayaring di ko inaasahan,ang makasabay ang aking hinahangaan,isang pangyayaring lubos kong ipinagpasalamat sa diyos.Sapagkat para sa akin isang karangalan ang siya ay makasama sa isang sandali...Pangyayaring itinuturing kong inspirasyon sa ngayon...Salamat...
Verdan,Joy ann M.

No comments:
Post a Comment