Thursday, October 23, 2008

Nasaan ang mga kasagutan..?Sa aking mga katanungan..?

Ano nga ba ang pakiramdam ng kasama mo ang iyong ama sa araw-araw na ginawa ng diyos...?Sabi ng iba masaya,walang kasing saya...Ako kaya paano ko masasagot ang mga katanungang gumugulo sa aking isipan?Kung ang mga kasagutan sa tanong ko'y parang isang bangin na kailangan ko pang talunin...Kay hirap ng aking nararamdaman,mula ng araw na ako'y isilang,hanggang sa aking pakikibaka sa ngayon.Akosi Joy Ann Verdan,mas kilala sa tawag na J-anne.May simpleng Pangarap,mababaw ang kaligayahan.naghahanap ng kasagutan,sa isang madilim na sulok ng nakaraan.

Sa aking pagkabata ay di ko nakasama ang aking ama.Isang pagtataka na palaging nagpapalakad sa aking mga paa,patungo sa aking ina...Bakit?ana palaging simula ng aking bibig.maging sa aking pakikipaglaro sa aking mga kaibigan,natanong ko sa aking sarili...Papaluin niya kaya ako pag ginabi ako sa palaruan?Pag umiyak ba ako,papatahanin niya kaya ako?Ipaggtatanggol niya ba ako sa mga taong umaapi sa akin?Kaydami kong nga tanong...

Minsan ang sandaling pagkapawi ng mga katanungan ko ay ang pakikisalamuha sa ibang tao,lubos ko itong ipinagpapasalamat.na kahit sandali'y nawaglit sa aking isipan ang katanungang minsang ko na ring iniyakan.At ngayon,pagkatapos ng sampung pinagpipitagang mga taon,patuloy kong hinahanap ang nga kasagutan.Ang importantrng kasagutang magbibigay sa akin ng susi sa pagbukas ng pinto.Sana'y mawaring isang araw ay masagot ko na ang tanong na nagsisimula sa salitang BAKIT....?





Joy Ann M.Verdan

No comments: