Sa ating paglaki,maraming tao ang sa ati`y tumutulong upang makilala at maintindihan ang ating sarili.Mga taong siyang magbibigay-payo at gagabay sa iyo tungo sa tagumpay.Hindi ba`t kay sarap isipin na may taong sa ati`y lubhang nagpapahalaga at nagbibigay-kulay sa ating buhay?!
Ako...Mayroon akong kilalang taong lubhang nakaiintindi sa akin.Isang taong kinukuhaan ko ng lakas ng loob.Siya ang aking kapatid...Oo nga`t higit na mas nakababata siya sa akin,ngunit siya rin ang taong ang taong napagsasabihan ko ng lahat ng samang loob at mga pangyayari sa aking buhay na kung minsan ay hindi alam maging ng aking mga magulang,
Siya rin ay isang talaarawang may buhay.Ang mga bagay-bagay na hindi nila maintindihan ay pilit niyang iniintindi.Dahil sa hindi nagkakalayo ang aming edad,magaan ang aking loob nna sabihin sa kanya ang aking mga lihim.Labis ang aking pasasalamat sa pagkakaroon ng isang kapatid na masasandalan sa oras ng pangangailangan.Isang kapatid na magsisilbing kaibigan at handang umalalay sa akin sa oras ng pagkadapa at handang magbigay dahilan upang ako`y lalong umunlad sa buhay at sa aking sarili.
Donna Mae Valeriano

No comments:
Post a Comment