Wednesday, October 22, 2008

Pamilya ko


Ang aming pamilya ay masaya sa kabila ng mga pagsubok tulad ng mga problema sa pera at iba pa . Pero kahit ay masaya ang aming pamilya dahil kami ay sama sama. Ang aking kapatid ay nakatapos sa pag-aaral dahil sa aming magulang na nagpapaaral sa amin at sila ay tumutulong sa magiging kinabukasan namin. Ang panganay kong kapatid at ikatlo ay maysariling pamilya na ang panganay kong kapatid ay tumutulong paring sa amin kahit may pamiya na siya.
Lima kaming magkakapatid at lahat sila ay nakapagtapos pera lang sa aming dalawa ng ate ko . Ang ate ko ay nasa sa ikatlong antas na kolehiyo . At ako naman ay nasa ikaapat na antas sa high school . Na kasalukuyan ng nagaaral sa MLNHS o Mapulang Lupa Nat`L High School . Ang kita ng ama ko ay sakto para sa aming pamilya dahil tumutulong namang ang mga kapatid ko sa mga gastusin sa bahay.
Ang pamiya naman ay medyo hindi naging maganda dahil sa nasunugan kami ng bahay pero kahit ganon ay gusto kong makatapos nang pagaaral para makatulong sa aking magulang . Saamt sa Tito at Tita ko dahil ay tumutulong sila sa amin sa pamamagitan ng pagdadala ng pera o iba pa . Dito na nagtatapos ang aking isang maikling sanasay tungkol sa aking pamilya.

Joemari A. Mosquera

No comments: