Thursday, October 23, 2008

Dapat may Interes

Bawat tao ay mayroong sariling interes sa buhay. Ito ang bagay na alam kong ako ay sasaya.Para sa akin, ito ay pansariling kapakanan lamang at kagustuhan sa buhay at upang makamit ang mga pangarap, dapat meron kang sariling interes upang malagpasan ang mga pagsubok na ating hinaharap.
Sa buhay mahirap ang mga walang sariling interes kaya makikita natin sa labas o sa loob ng ating bansa ang mga taong naghihirap at nagkakauba sa pagtatrabaho para umunlad ang kanilang buhay.Ang ating kakayahan para makamit ang ating mga pangarap ay dapat meron tayong sariling interes dahil hindi ito mahuhulog na parang bato at madadampot sa daan at lalapit sayo na parang maamong pusa.
Sa panahong ito ay hindi mo makamit ang iyong pangarap kung wala pang sariling interes. Ano ba ang sariling interes? ito ay isang katangian na interesado ka sa iyong ginagawa o gustong makamit o makuha lahat. Meron tayong sariling interes katulad ng matulungan natin ang ating magulang at makapagtapos ng pag aaral. mahirap talagang wala kang iniintindi. Lahat tayo meron sariling interes . Kung interesado ka sa isang bagay kahit butas ng karayom papasukin mo para dito makuha mo lang siya. Tulad ng pag ibig, alam kong mahirap makuha ang pagibig kung ayaw naman niya. Makakiamit mo ang isang bagay kung meron kang tiyaga at pagsisikap sa buhay. Sabi nga nila, mahirap hugutin ang nakabaon na at mahirap din sumubok at masaktan ang iyong kaluluwa at damdamin. Makukuha mo siya kung may paraan ka. Mahirap talagang tuparin ang mga pangarap kung wala kang inspirasyon sa buhay.


Vincent Alonsabe IV-Diamond

No comments: