Thursday, October 23, 2008

Bigyang-pansin,Paghihirap namin ......

Ilang beses pa bang dapat mag-rally ang mga tao?Ilang beses pa ba silang hihiling sa gobyerno?Ilang beses pa ba silang kailangan magbilad sa init para lamang mabuksan ang pandinig ng gobyerno?
Sa pagbagsak ng ekonomiya ng amerika,apektado ang ating bansa,Patuloy ang pagtaas ng mga bilihin.Ang maaaring na lamang gawin ng pamahalaan ngayon ay bigyang-pansin ang mga nagmamalabis na prodyuser.
Ano nga bang aksyon ang gagawin nila upang malagpasan ang krisis na ito?At upang matigil ang bakbakan sa Mindanao?Sana'y maisip nilang lahat ay nakakaramdam ng delubyo,delubyong magbibigay ng paghihirap sa mgatao.Sana'y bigyang aksyon agad nila ang mga reklamo at pangangailangan ng sambayanang pilipino.



Verdan,Joy Ann M.

No comments: