Thursday, October 23, 2008

Hinaing nila'y dinggin...Upang pangarap nila'y marating

Ilan nga ba ang ang organisasyon dito sa pilipinas na naglalayong bigyan ng pansin ang mga batang ulila na sa pagkalinga ng kanilang mga magulang..?Sa aking paninirahan dito sa mundo,hindi lamang isa,dalawa,o tatlo ang mga batang iniwan ng mga magulang.Kulang pang sabihin ang salitang 'madami o talamak'..
Ordinaryo na nga kung sabihin ang mga batang namumulot ng basura sa lansangan. Walang sapin ang mga paa,at ang at mga kumakalam nilang tiyan.Hindi na rin kaila sa atin na kahit saan tayo tumingin ay may makikita tayong mga ganitong eksena...
Ako bilang esttudyante ay hindi manhid para hindi maramdaman kung anong mga nangyayari sa aking kinagagalawan sa ngayon ,kaya kahit sa maliit na paraan ako'y TUTULONG ....




Verdan,Joy Ann M.

Sariling Interes


Ilang taon pa ang gugugulin ko sa pag aaral para makatapos sa pag aaral at maraming pagsubok pa ang aking pag dadaanan sa bawat araw at oras. Gusto kong matupad ang aking pangarap na maging isang komiks writer dahil dito masaya ako kapag tuwing ako ay gumuguhit ng mga cartoon character. Sana matupad ko ko ang aking pangarap para makatulong ako sa aking magulang.
Mahirap matupad ang pangarap kapag maraming problema tulad na lang sa problema sa pera at iba pa.
Kahit ganon ay kailangan ko na makatapos sa pag aaral at tumulong sa pamilya ko dahil sila ang nagpapa-aral at nag aruga sa akin kung makatapos ako ay maghahanap kaagad ako ng trabaho para hindi maging pabigat sa aking pamilya at dito natatapos ang aking kwento dahil wala na akong maisip.


Joemari A. Mosquera

Pamilyang Walang Pagpapahalaga


Dito sa pamilyang ito ay walang pagpapahalaga sa mga gamit sa bahay dahil ang mga anak niya ay laging madumi at mabaho dahil ang ina at ang mga kasama sa bahay ay walang pakealam sa mga batang at ang bahay nila ay hindi maayos at walang pagmamalasakit.
Ang pamilyang ito ay nakakaawa dahil ang mga bata ay walang damit at walang maayos na tsinelas.Minsan ang mga bata ay walang makain kaya nagnanakaw ang isa nilang kapatid nadadala minsan dinala na sa DSWD ay hindi parin nagbabago.
Ang batang ito ay hindi na umuuwi sa kanila ang malas namang ng pamilyang ito dahil ang mga anak niya ay hindi nakatapos sa pag aaral at puro bisyo. Ngayon ay umaayos na ang kanilang pamumuhay dahil sa nakahanap na nang trabaho ang isa niyang anak.


Joemari A. Mosquera

Dapat may Interes

Bawat tao ay mayroong sariling interes sa buhay. Ito ang bagay na alam kong ako ay sasaya.Para sa akin, ito ay pansariling kapakanan lamang at kagustuhan sa buhay at upang makamit ang mga pangarap, dapat meron kang sariling interes upang malagpasan ang mga pagsubok na ating hinaharap.
Sa buhay mahirap ang mga walang sariling interes kaya makikita natin sa labas o sa loob ng ating bansa ang mga taong naghihirap at nagkakauba sa pagtatrabaho para umunlad ang kanilang buhay.Ang ating kakayahan para makamit ang ating mga pangarap ay dapat meron tayong sariling interes dahil hindi ito mahuhulog na parang bato at madadampot sa daan at lalapit sayo na parang maamong pusa.
Sa panahong ito ay hindi mo makamit ang iyong pangarap kung wala pang sariling interes. Ano ba ang sariling interes? ito ay isang katangian na interesado ka sa iyong ginagawa o gustong makamit o makuha lahat. Meron tayong sariling interes katulad ng matulungan natin ang ating magulang at makapagtapos ng pag aaral. mahirap talagang wala kang iniintindi. Lahat tayo meron sariling interes . Kung interesado ka sa isang bagay kahit butas ng karayom papasukin mo para dito makuha mo lang siya. Tulad ng pag ibig, alam kong mahirap makuha ang pagibig kung ayaw naman niya. Makakiamit mo ang isang bagay kung meron kang tiyaga at pagsisikap sa buhay. Sabi nga nila, mahirap hugutin ang nakabaon na at mahirap din sumubok at masaktan ang iyong kaluluwa at damdamin. Makukuha mo siya kung may paraan ka. Mahirap talagang tuparin ang mga pangarap kung wala kang inspirasyon sa buhay.


Vincent Alonsabe IV-Diamond

Awa sa Iba

Sa tuwing naglalakad patungo sa Mall, may nakikita ka bang mga batang namamalimos at sa iyo'y humihingi ng tulong? May ibinibigay ka bang tulong sa kanila o kahit ano mang makakain nila?
Kay sarap isipin na mayroonbg tumutulong sa kanila sa kabila ng marumi nilang kasuotan at hindi kaaya ayang anyo. Mga taong pinaglaruan ng tadhana at isang malungkot na buhay ang tangan.
Maaaring danasin mo rin ang ganito, kaya kung ako sa iyo tutulong ako sa mga pulubing ito nang sa gayon ay kung ako ang mangailangan ay may tutulong rin sa akin.




Vincent Alonsabe IV-Diamond

paano makakamit ang katarungan?

Ang hustisya ito ang hinihhingi ng mga tao nag nanais na makamit ang katarungan. sa pag huhukom ay dinadaanan sa mahabang proseso o ang mga bagay na hindi mabigyan ng kasagutan at para mapatunayan ito ng totoo o hindi sa ating bansa ang korte siprema ang syang namamahala para mabigyan ng hustisya ang mga nang yari sa kanila.



Karamihan, ang iba ay hindi sa mga maimpluwensyang tao. Ang mga maimpluwensyang tao ay gumagamit ng salapi at kapangyarihan upang hindi mapatunayan na sila nga ang gumawa. Ang krimen ay isa sa mga masasamang nang yayari sa ating kapaligiran. Maraming inosenteng tao tuloy ang nadadamay at humihingi ng hustisya.



Ang hustisya ay para sa mga taong di nabigyan ng katarungan. Para sa akin ang hustisya ngayon ay para lamang sa mga mayayaman, dahil ngayon ay hindi na nagiging pantay ang hustisya dahil sa maimpluwensyang salapai at kapangyarihan. Marami sa kanila ay hindi nabigyan ng hustisya hanggang ng sila ay mamatay ay parang nilibing na lamang sa limot ang hustisyang ninanais nila. Ang hustisya ay makakamit lamang kung mabibigyan ito ng kasagutan......


Vincent Alonsabe IV-Diamond

Alas ng buhay


Alam kong marami ang nag sasabi at nag tatanong na, naniniwala kaba sa swerte at malas?? Alam ko na ang naniniwala lang sa swerte ay ang mga sugarol dahil sinasabi nila na may anting anting silang gamit. Maraming bagay ang nangyayari sa ating buhay na hidi natin alam kung ito ay totoo o hindi, isa sa mga pinaniniwalaan naating mga pinoy ay ang malas at swerte para sa akin nang yayari lamang ang malas kung sunod-sunod na trahedya ang nangyayari at kung swerte naman ay sunod-sunod ang nang yayaari sa buhay natin.


Isa sa mga kinaiinisan ko ay ang malas madalas mang yari ito halimbawa na lamang ng pag kamantsa ng damaet ko ay sunod-sunod na kamalasan ang nang yayari sa akin pero kung may malas may swerte halimbawa nalamang ng sunod-sunod na dumarating na magagandanag araw sa akin at nasunndan pa ito ng swerte ng buong araw....


Ang malas at swerte ay maaaring nag kataon lamang dahil tayo'y ang gumagawa kung ano man ang magiging takbo o mang yayari sa ating buhay para sa akin ang tunay na malas ay nang yayari kung hindi natin papahalagahan o pag iingatan ang ating buhay at ang swerte naman ay nang yayaari kung puro positibo ang mga pananaw mo sa buhay......


Vincent Alonsabe IV-Diamond